May iba’t ibang level siguro ng pagmamahal. Siguro lahat totoo, yung mga desisyon nga lang at actions niyo, depende dun sa intensity (waw intensity xD) ng nararamdaman niyo para sa isa’t isa. Siguro may mga nagmamahal na mahal lang. May kakaiba kang feeling para sa kanya na hindi mo nararandaman sa ibang tao. Tipong espesyal siya pero hindi ka pa sigurado kung siya na yung gusto mong makasama habambuhay. Tapos meron din sigurong highest intensity na sinasabing “katangahan” na daw. Siguro sila yung mga taong gusto ng magsettle. Yung gusto ng yung taong mahal niya ang huling dadaan sa buhay niya. Tipong hahabaan ang pasensya at lalakihan ang pang-unawa para sa kanya. Hindi katangahan. Siguro sobrang pagmamahal lang.
Minsan hindi na kasalanan ng nakapanakit kung bakit may nasasaktan. Kasalanan na din minsan nung isa kasi kahit pagsabihan siya, patuloy siyang nagpapakatanga.
Wala namang perpektong relasyon. Yung mga iniidolo nating couple? Lahat may pinagdaanan yan. Nagkakaroon o nagkaroon sila ng problema, nakaya lang nilang lagpasan. Ikaw, kaya mo din yun e, kaya niyo din ng mahal mo. Wag lang kayong patalo sa galit at sakit na dala ng mga pagkakamali niyo. Puro emosyon yan. Parehas nawawala. Parehong pwedeng kalimutan. Matutong magpatawad. At tanggapin na hindi siya perpektong tao. :)
Yung mga babae grabe kung mag mahal? Sila din yung mahirap makalimot sa isang tao kapag nasaktan. Sila din yung mga babae minsan lang mag mahal pero kung mag bigay sobra sobra sa taong mahal nila.

Yun kasi ang hirap sa’ting mga babae. We always jump into conclusions. Ang dali nating magconclude na nakaranas lang tayo ng pagiging masaya kasama siya, akala natin agad Prince Charming na siya. Mr. Perfect kumbaga. Pero sa huli, malalaman nating Mr. Wrong pa din pala. Tapos kung anu-anong drama sasabihin natin sa kanila na ganto-ganyan pala sila. E sino bang nag-akala? Sino bang nag-isip ng ganoon kaagad?
Pero kahit sisihin ko mga babae, may mali pa din mga lalaki e. Isa lang, HINDI SILA CONSISTENT. :) Tsaka payo lang sa mga taong gustong pumasok sa relationship, kung sa tingin mo hindi siya yung taong gusto mong makasama panghabangbuhay, huwag ka na lang makipagrelasyon sa kanya. Kasi ang mga tao, hindi yan laruan na pandagdag lang sa koleksyon. Para yang mamahaling hiyas, hindi dapat winawala, hindi dapat nagagasgasan. DAPAT INIINGATAN.
Pag ako pumasok ulit sa relasyon, gusto ko yung tahimik na lang. Walang madaming may alam. Kung pwede nga e nakahide sa facebook at mga tropa at pamilya lang namin ang may alam. Hindi naman sa hindi ako proud. Hindi naman sa hindi ko siya kayang ipagmalaki. Ayako lang na kapag magkaaway kami o kaya sweet-sweetan e laman na naman ng mga usapan. Parang tanga lang yong ganon. Konting tampuhan e para laging mga artistang nagdivorce. HUEHUE. Nakakayamot. Tapos kapag nagbreak, lahat apektado. Minsan mapipilitan ka na lang balikan kasi lahat sa paligid niyo e nanghihinayang.
Page 136 of 365
Laging may dala si Abby na lollipop. Yung tig-pipiso. Lagi akong nahingi. Tas yung stick lagi kong nginangatngat. E ganun ako kumain ng lollipop e. Kame ni Abby ganun. Tas kanina nung papuntang sasakyan, biglang hinila ni Ervil John sa bibig ko yung stick tas tinapon. E ayun nagkagalit kame. Bakit ga? E kakasura kasi. Wala tuloy kame pareho sa mood. Tas nagpunta kameng Calicanto nun, may dinaanan si Dowell. Wala hinawakan nya lang ulo ko tas nilaro ang mukha at buhok ko. Bati na kame. Pero pinagtatawanan talaga ako ng barkada kasi wala na daw kameng mapag-awayan kaya kahit simpleng stick ng lollipop pag-aawayan namin. HAHA.
Ang tanga ga ni Kharen. HAHAHAHAHA. Pero shet. Wala na akong lollipop dito samen. HUEHUE. Isang balot yon e. Maya’t maya e isa. Tapos yung mga baon ko pa sa school, hinihingi ng magandang to. Wohwoh. :\
Kasi kaya kong sabihin lahat ng hinaing ko. Tapos maiintindihan nila ako at sasabihing, “Lasing kasi. Hayaan niyo na.”
Kaya ayako ng putanginang nakakasakit e. Putanginang sobrang nagguilty ako. Putanginang sobrang nasasaktan din ako. HUEHUEHUE. Kasalanan ko ‘to e. Landi ko. HAHAHA. Pero syet. Hindi naman pwedeng palaging sa’yo. Kasi naghahanap din ako. Andami nating pangako. Andaming pangarap. Andaming plano. Kaso, nasira natin e. Move on din. Parehas tayong naghahanap ng atensyon. Atensyon na baka hindi talaga natin pwedeng makuha sa isa’t isa. Naging masaya naman tayo noon kaya hindi ako nagsisi e. Masaya tayo noon. Kung may bukas pa na dadating para sa ating dalawa, bumawi na lang tayo. Pero sa ngayon, sorry. People change. Feelings fade. And maybe my feelings for you wasn’t exempted to that fckn’ thing.